SC ibinasura mga petisyon vs VP impeachment
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court (SC) nitong Miyerkules ang lahat ng petisyon na kumukuwestiyon sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives, dahil sa pagiging moot o wala nang saysay.
Paliwanag ng SC, naipadala na sa Senado ang Articles of Impeachment at nagsimula na ang pagdinig, kaya’t hindi na kailangan pang resolbahin ang mga isyu.
Ang mga petisyon ay inihain nina Duterte, Atty. Israelito Torreon, at iba pang petisyuner. Giit nila, lumampas umano ang House of Representatives sa paggamit ng constitutional authority sa pagkalap ng ebidensya at panghihikayat sa mga testigo na dumalo sa mga pagdinig.
Kabilang din sa kanilang argumento ang pagtutol sa deklarasyong “sufficient in form, substance and grounds” ang impeachment complaints.
Sa panig ng SC, malinaw na ang transmittal ng Articles of Impeachment ay hudyat na natapos na ang papel ng House of Representatives sa proseso.
- Latest


























