Vice, napaboran sa reklamo sa racism at lugaw!

Nakapag-relax raw si Vice Ganda sa Vietnam ayon sa isang ilang taong malapit sa Unkaboggable Star.
Almost a week nang walang paramdam si Vice sa It’s Showtime.
Ito ay matapos na ipatawag ang mga executive ng noontime show ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa diskusyun sa ‘racism’ at ‘lugaw’ sa programa.
Ayon sa source, pahinga na rin daw ni Vice ang trip to Vietnam na ito.
Tho depensa naman ng ibang malapit sa kanya, matagal na itong planado.
Anyway, hindi rin maka-move on ang ibang fans ni Vice dahil nga diumano’y alam nga nila kung sino ang nag-mass report sa MTRCB kaya ito ipinatawag.
Samantala, maraming fans ni Vice ang nakaka-miss sa kanya sa noontime show. Kulang daw sa saya pag wala siya.
Pero hindi naman daw apektado ang rating ng noontime show na napapanood sa GMA 7 at iba pang Kapamilya platforms.
Kung ano raw ang rating nito noong andun si Vice, ganundin daw na absent ang Unkabogable Star.
Hindi naman alam ng source kung kailan ulit babalik si Vice.
Alex, gamit na gamit na ng ibang negosyante
Grabe raw ang demand ng ticket para sa Toronto Open kung saan maglalaro si Alex Eala.
Sa centre court na lalaro si Alex na ilang minuto lang ang nakalipas, sold-out na raw kaagad ang mga ticket dito.
Mala-Serena Williams 20 years ago raw ang ganitong eksena na hindi raw nakamit ng ibang mga tennis superstar sa tuwing may laban sila.
Ang wish lang ng ibang fans ni Alex, ‘wag namang sakyan ng mga negosyante ang kanyang panalo na as if endorser na siya ng kanilang mga produkto.
Ang daming naglalabasan ngayong art card na andun ang mukha ni Alex.
Bianca at Esnyr, may inamin sa kanilang koneksyon
Sumagot si Bianca de Vera ang matagal nang pananaw ng ilan na isa siyang “spoiled brat,” habang ibinahagi naman ni Esnyr Ranollo ang naging proseso ng kanyang muling pagbangon matapos ang isang heartbreak. Ilan lamang ito sa tinalakay ng dalawang Star Magic artists sa Star Magic Spotlight Press Conference kamakailan.
At ang una nilang pagkikita sa isang bar.
May isang AFAM (a foreigner assigned in Manila) daw noon na nambabastos kay Bianca. Eh andun si Esnyr kaya ang ginawa raw ni Esnyr, nagpanggap siyang may relasyon sila ni Bianca.
At doon nag-umpisa ang kanilang friendship.
Anyway, ibinahagi rin ng ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemates ang kanilang mga personal na karanasan, kabilang ang mga maling akala ng publiko tungkol sa kanila at ikinuwento rin nila kung paano patuloy na hinuhubog ng kanilang pagkakaibigan, personal na paglago, at mga pinagdaanang karanasan ang kanilang buhay at karera.
Isa sa mga naging pinaka-personal na bahagi ng press conference ay nang sagutin ni Bianca ang pananaw ng ilan na lumaki siyang umaasa lamang sa kanyang pamilya.
“I feel like it’s a misconception because only child ako,” ani Bianca. “I pay for all of my bills – gas, food, groceries, lahat-lahat ng bills. Although kaya nila (parents), but they don’t do it because gusto nila lumaki ako nang independent.”
Ayon sa aktres, malaking bahagi ng kanyang paglaki ang pagiging financially independent, at umaasa siyang mas makilala siya ng publiko batay sa kanyang tunay na pagkatao kaysa sa mga unang impresyon tungkol sa kanya.
Pero tinapos muna niya ang pag-aaral bago pinasok ang pag-aartista.
“Sabi ng parents ko ‘Ok mag-Junior Master Chef ka tapos after niyan pwede ka nang mag-Goin’ Bulilit, try nating mag-artista ka,’ eh parang, hindi natuloy because I was studying in a very conservative all-girls school at that time. Oo, bawal showbiz. So, here I am now.”
Samantala, naging emosyonal si Esnyr nang ibahagi niya ang naging bagong yugto ng kanyang buhay matapos ang heartbreak, kung saan pinili niyang ilaan ang kanyang oras at pagmamahal sa kanyang sining at propesyon.
“This is the season of my life to rebuild myself, to pour the love na sa art ko, sa craft ko, more than i-boost ko siya sa pagmamahal sa maling tao,” ani Esnyr. “I don’t want to lose myself, I don’t want to lose the heart that I pour in everything that I do.”
Ibinahagi rin niya ang pressure ng patuloy na paggawa ng content habang sabay na pinapasok ang pag-arte at hosting.
“Before nag-start po ako sa pandemic. I am a pandemic baby. Kasi parang I feel like the world is so dark that time kaya parang I wanna feel the lightness din. Pero hindi ko po siya pinlano talaga. Never in my wildest dreams na akalain ko na mapupunta ako sa ABS-CBN kasi wala po talaga siya sa plano ko. Gusto ko lang po magpatawa that time. Gusto ko lang gamitin ko ‘yung skills ko sa pag-e-edit kasi nag-e-edit po ako dati ng mga short films, mga ganyan, PowerPoint presentation.
“Tapos nung nag-pandemic gusto ko gumawa ng content. Sabi ko why not try ko siya na i-shoot sa sarili kong kuwarto. Ayun thankfully, and thank God na ‘yun pala ‘yung calling sa akin. I feel like ‘yun ang purpose kung bakit ako pinag-shoot nung pandemic na ‘yun. It brought me here po and super grateful po ako sa pagco-content.”
Gayunpaman, mas nais niyang maalala siya ng mga tao dahil sa kanyang patuloy na pagsisikap kaysa sa isang matagumpay na proyekto lamang.
“I don’t want to be remembered sa isang success lang. I want to be remembered as someone who’s continuously striving and doing his best.”
Bukod sa kani-kanilang personal na showbiz journey, aminado sina Bianca at Esnyr ang malaking papel ng kanilang pagkakaibigan sa pagharap nila sa iba’t ibang pagsubok sa buhay at sa kanilang mga karera.
Ikinuwento ni Bianca kung paano niya sinuportahan si Esnyr sa isa sa pinakamabibigat na yugto ng kanyang buhay, habang ibinahagi naman ni Esnyr na nanatiling pareho ang pakikitungo ni Bianca sa kanya kahit pareho na silang lumalago sa kani-kanilang mga karera.
“I hope you never change,” sabi ni Bianca kay Esnyr, habang inilalarawan siya bilang isa sa mga pinakatotoo at pinaka-genuine na taong nakilala niya.
Binalikan din ng dalawa ang kanilang pagsasama sa The Secrets of Hotel 88, kung saan sinabi nilang naging natural ang kanilang samahan sa harap ng kamera dahil sa kanilang matagal nang pagkakaibigan.
Nang tanungin tungkol sa mga nais pa nilang makatrabahong proyekto, ibinahagi ni Bianca na nais niyang makasama si Esnyr sa isang romantic comedy, habang sinabi naman ni Esnyr na gusto niyang subukan ang isang proyekto kung saan magiging magkaribal silang dalawa upang maipakita ang ibang dynamics bilang mga artista.
Excited si Bianca na makita ang mga supporter sa darating sa kanyang first and sold-out concert with Dustin Yu on Aug. 8 habang aabangan naman ang Hello Outside World, ang bago nilang hosting project ni Esnyr kasama si Bianca Gonzalez.
- Latest





















