^

PM Sports

Macau niresbakan ng Titan Ultra

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Macau niresbakan ng Titan Ultra
Dumiskarte si Joshua Munzon ng Titan Ultra para makatakas sa depensa ng isang Macau defender.
PBA Image

MANILA, Philippines — Lintik lang ang walang ganti para sa Titan Ultra matapos makabawi sa guest team na Macau, 132-128, para sa solidong pambungad sa kampanya nito sa 2nd round ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Bumulusok agad ang Giant Ultra sa 47-19 bentahe sa 1st quarter at pinigilan na lamang ang ilang uilit na balikwas ng Giant Pandas para sa 2-5 kartada sa Group B.

Lumambat ng halos triple-double na 36 puntos, 10 rebounds at 7 assists si Tirrell Brown para giyahan ang krusyal na panalo ng Titan Ultra na galing sa 2 sunod na kabiguan upang tapusin ang 1st round.

Nakakuha siya ng solidong suporta mula kina Joshua Munzon, Roi Sumang at Bryan Sajonia na may 18, 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

May tig-9 na puntos din sina Ato Ular at Jerrick Balanza habang may 8, 7 at 6 na puntos sina Aris Dionisio, Fran Yu at Mark Omega, ayon sa pagkakasunod, para sa mga tropa ni coach Rensy Bajar.

“We know that Macau will come back. ‘Yun ang sinabi namin sa kanila sa huddle like what happened to us in the 1st round. We led by 16 points in the 1st half then all of a sudden, came back strong in the 3rd and 4th quarter,” ani Bajar.

“Ganun din ‘yung nangyari at this point but ‘yun lang, nag-stick lang ‘yung mga bata.”

Taob ang Titan Ultra kontra sa Macau sa 1st round, 132-126 kahit pa abante nang malaki sa 1st half subalit natuto na ngayon nang hindi na pahabulin pa ang karibal matapos lumamang ng hanggang 29 puntos.

Matapos makaalagwa sa 66-37, napanghawakan pa ng Giant Risers ang 126-116 na kalamangan sa huling 3 minuto kaya maging ang 12-6 na panapos ng Giant Pandas ay kinapos dahil hindi pabor sa kanila ang oras.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with