3 batalyon ng Philippine Army idineploy sa BARMM
MANILA, Philippines — Tatlo pang karagdagang batalyon ang idineploy ng Philippine Army upang tiyakin na iiral ang mapayapa at tahimik na halalan sa kauna-unahang Parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na Setyembre 14 ng taong ito.
“We have additional troops coming from the 28th Infantry Battalion (IB), 75th IB, the 2nd SRB (Scout Ranger Battalion),” pahayag ni Philippine Army Spokesman Col. Louie Dema-ala.
Ito’y maliban pa sa tropa ng Army’s 6th Infantry Division na nakabase sa Maguindanao del Norte, 1st Infantry Division (Zamboanga del Sur) at 11th Infantry Division (ID) na nakabase naman sa Sulu.
Inihayag ni Dema-ala na ang karagdagang idineploy na mga sundalo ay nasa 1,500 o tig-500 ang bawat batalyon bukod pa sa ipinadalang joint operations team mula sa AFP sa Camp Aguinaldo.
“So, ito ‘yung mga naka-deploy sa ngayon as augmentation doon sa ating mga personnel doon sa BARMM,” giit ng opisyal kung saan patuloy ang isinasagawa ng mga itong security operations partikular na sa pagpapatupad ng gun ban.
Una nang tinukoy na ang lalawigan ng Basilan ay isa sa mga posibleng hotspots sa BARMM parliamentary polls.
- Latest





















