^

Bansa

Palasyo: Pahayag ni Rep. Duterte hinggil sa China nakakabahala

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nababahala ang Malacañang sa mga pahayag ni Davao City Congressman Paolo Duterte na tila nagpapakita ng kakulangan ng pagkakaisa sa Pilipinas at mas nakatuon sa ibang bansa.

Ito ay matapos akusahan ni Duterte si Defense Secretary Gilbert Teodoro na umano’y “demonizing” sa China at tila nagpapatupad ng loyalty test.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ang usapin ay hindi tungkol sa loyalty kundi sa paninindigan ng bawat Pilipino para sa sariling bansa.

“Lahat tayong mga Pilipino, dapat ang puso, ang paninindigan, at ang ipaglalaban ay ang bansang Pilipinas lamang,” ani Castro.

Dagdag pa niya, nakakaalarma na isang mambabatas gaya ni Duterte ay mistulang nagpapakita ng hindi matatag na pagkakakilanlan sa bansa.

Giit ni Castro, wala siyang nakikitang mali sa naging pahayag ni Teodoro dahil ito ay malinaw na pagpapakita ng pagmamahal sa Pilipinas.

“Ang sabi nga ng Pangulo, pagda­ting sa pagpuprotekta ng ating interes, kahit anuman ang kulay o pananaw sa ibang isyu, pagdating sa pagmamahal sa bansa ay hindi ito dapat pagtalunan,” dagdag pa ni Castro.

Nilinaw rin ng Malacañang na ang usapin ng magandang relasyon sa China ay hiwalay sa isyu ng pagtatanggol sa pambansang interes.

Payo ni Castro, kung may mga mambabatas na may pananaw na katulad ni Congressman Pulong Duterte, mas mabuting lumantad sila upang makita kung sino ang tunay na nagmamahal sa Pilipinas.

CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with