^

Bansa

Legarda tinawag na ‘false, baseless’ ang akusasyon ng Ombudsman

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Legarda tinawag na ‘false, baseless’ ang akusasyon ng Ombudsman
Sinabi rin ni Senator Loren Legarda na hindi pa niya natatanggap ang anumang komunikasyon mula sa Office of the Ombudsman kaugnay sa napaulat na preliminary investigation.
Office of the Ombudsman Philippines / Facebook page

MANILA, Philippines — Tahasang tinawag ni Senator Loren Legarda na “false and baseless” ang akusasyon ng Office of the Ombudsman na nagsabwatan umano siya at ang kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste upang makuha  ang eksklusibong karapatan sa solar energy ng bansa sa pamamagitan ng legislative at regulatory actions.

Sinabi ni Legarda na sa buong panahon ng kanyang panunungkulan sa publiko simula noong 1998, lagi niyang pinanghawakan ang kanyang integridad, na kanyang lubos na pinahahalagahan.  Ang walang batayang alegasyong aniya ay isang paninirang-puri laban sa kanyang pagkatao na lubos na hindi nararapat.

“All my public life since 1998, I have always upheld my integrity, which I value dearly. This baseless allegation is a smear on my person that is totally undeserved,” ani Legarda.

Sinabi rin niya na hindi pa niya natatanggap ang anumang komunikasyon mula sa Office of the Ombudsman kaugnay sa napaulat na preliminary investigation.

“I can categorically state that the reported ­accusations are utterly false and baseless. No public funds were involved. We are prepared to bring out the truth,” ani Legarda.

Sinabi rin ni Legarda na hinihikayat nila  ang publiko na maging mapanuri, lalo na kung isasaa­lang-alang ang panahon at uri ng mga alegasyon.

“Nananatili kaming kumpiyansa na kapag luma­bas na ang buong katotohanan, mapatutunayang wala kaming kasalanan at malilinis ang aming mga pa­ngalan,” ani Legarda.

LEGARDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with