Himala: Nakaligtas sa humahagibis na dyip! (Part 2)
KAHIT marami nang nakasabit, patuloy ang drayber ng dyipni na aking sinasakyan na magpasakay ng pasahero kahit wala nang mapupuwestuhan. Siksikan na ang mga nakasabit na pasahero lalo nang dumating sa Cubao. Nasa kanang bahagi ako ng estribo at dahil maliit ako, nasiksik ako ng dalawang malaking pasahero. Hinigpitan ko ang paghawak sa stainless na bakal. Mayroon akong bag nakasakbat sa balikat na ang laman ay libro at kuwaderno.
Patuloy naman sa mabilis na pagpapatakbo ang drayber na nakikipag-unahan pa sa ibang dyipni para maka-pickup ng pasahero.
Pagdating sa bahagi ng Katipunan, may mga sumakay pang pasahero. Bumaba ang dalawang katabi ko at ang pumalit ay isang malaking lalaki na puting-puti ang balbas at ang buhok na naihalintulad ko sa sikat na singer na si Kenny Rogers.
Nang pababa na sa tulay ng Marikina, lalo pang tumulin ang dyipni. Sa bilis ng takbo, nagpagiwang-giwang ito.
Hanggang makabitaw ako sa pagkakahawak. (Itutuloy)
- Latest















