^

Pang Movies

Ryan, tinupad ang pangarap sa karInderya!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ryan, tinupad ang pangarap sa karInderya!
Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Pinuri ng netizens sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil kahit kayang-kayang kumain sa mamahaling restaurant, dinayo pa rin nila ang isang carinderia sa may Zobel Roxas, Makati. Nabanggit ni Ryan na kahit noong nasa college pa siya, gusto na niyang kumain sa Sosing’s.

Ang kuya raw niya ang nakakain sa nasabing carinderia at nito lang mag-asawa na sila ni Judy Ann at may tatlong anak natupad. It turned out na kilala ang Sosing’s sa masarap na dishes at sinasadya ng customers dahil nga masarap ang food.

Para ngang bumawi si Ryan dahil ang dami nilang in-order ni Judy Ann at kumpleto sila sa mga sawsawan.

Nai-promote ni Ryan ang Sosing’s kaya’t marami ang gustong kumain dito at tikman ang mga in-order nina Ryan at Judy Ann.

Barbie, kapatid na rin nina Coco, Julia at Alden!

Birthday ni Barbie Forteza bukas, July 31, at sa interview sa aktres, nabanggit na she will be spending her birthday with her parents. But for sure, hindi papayag ang fans nito na mag-birthday siya na wala man lang party.

Kaya kahit nakasama na nito ang fans sa Cribs Foundation Inc., for a charity event, sasamahan pa rin siya ng kanyang supporters sa birthday niya bukas.

Samantala, patuloy ang magandang takbo ng career ni Barbie, may pelikula at telebisyon na mas makakatulong sa kanya para mas makilala pa ang husay.

Sa September ang showing ng Regal Entertainment movie niya na Saving Cherry at malapit na rin ang streaming at airing ng drama series nila ni Sharon Cuneta na Honor Thy Mother.

Nag-share si Barbie sa working relationship at friendship niya kay Sharon at ramdam ang respeto at paghanga nito kay Megastar. “It would be overwhelming for someone like me na bata pa lang pinapanood na siya pero she’s very generous in getting close to her actors. She even told me to call her Mama. Ganyan, sobrang bait, sobrang loving,” sabi ni Barbie.

Siya ang latest showbiz anak ni Sharon. Kapatid na ni Barbie sina Coco Martin, Julia Montes at Alden Richards na anak din ang turing ni Sharon.

Sarah, wish na sumunod kay Alex!

Pagkatapos makasama ang mga magulang sa kanyang birthday, ang asawang si Matteo Guidicelli at ang pamilya nito ang kasama ni Sarah Geronimo sa birthday niya last July 25.

Naging holy ang birthday celebration sa presence ni Cardinal Luis Tagle.

Sa photos shared by Matteo, makikitang nag-bless si Cardinal Tagle ng religious mementos at may hawak pa ngang rosary si Sarah.

Sabi ni Matteo, “A beautiful evening celebrating Sarah’s birthday, surrounded by family, made even more meaningful by the presence of Cardinal Tagle. Thank you, Your Eminence, for sharing the Word with us and guiding us with your wisdom. Salamat po.”

May mga nabasa kaming nakakatuwang birthday message kay Sarah from her fans gaya ng “Pagkatapos po ni Alex, siya naman po.” Ang tinutukoy ng fan, sana si Sarah na ang sunod na magbuntis at ang Alex na binanggit ay si Alex Gonzaga.

Pini-pray nga ng fans na magka-baby na sina Sarah at Matteo para maging kumpleto na ang kanilang pamilya.

Ang isa pang prayer ng fans, sana sa next birthday ni Sarah, sama-sama na sa celebration ang Geronimo at Guidicelli family. Sigurado silang ito rin ang dinadasal ni Sarah na kapag nangyari, sobrang pasasalamat nito sa Diyos.

RYAN AGONCILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with