Castro bumuwelta kay Imee: ‘Impakta to the maximum level’

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Presidential Communications Office (PCO) Press Officer Atty. Claire Castro si Senadora Imee Marcos matapos siyang ilarawan bilang “impakta” o ICC sa Malacañang.
Ayon kay Castro, maaaring naapektuhan ang senadora at ang kanyang grupo dahil kumakalaban sila sa fake news, kaya’t ganoon ang banat laban sa kanya. Giit niya, hindi siya nagsasalita ng masama sa kapwa at ang gumagawa nito ay mga taong may ganoong karakter.
“It takes one to know one. Alam nila ang deskripsiyon ng impakta. Kung sila ay affected sa aking nababanggit, isang impakta ang kumalaban sa fake news, sino ngayon ang impakta,” ani Castro.
Dagdag pa niya, walang dapat ipag-alala si Marcos dahil “ang korona ay nasa kanila” at hindi niya ito kayang agawin. “Wala ako sa kalingkingan ni Senator Imee para sa ganiyang klaseng deskripsyon. Sila ay nasa maximum level,” saad ni Castro.
- Latest



















