^

Bansa

2 LPA sa labas ng PAR binabantayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 LPA sa labas ng PAR binabantayan
Ang unang LPA, na nabuo mula sa cloud cluster sa Samar noong Martes ng hapon, ay namataan sa bisinidad ng Baao, Camarines Sur. Magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Cagayan Valley, Mimaropa, at Bicol Region habang tumatawid sa Southern Luzon. Inaasahan itong tutungo sa West Philippine Sea sa Huwebes bago tuluyang malusaw.
PAGASA

MANILA, Philippines — Dalawang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA.

Ang unang LPA, na nabuo mula sa cloud cluster sa Samar noong Martes ng hapon, ay namataan sa bisinidad ng Baao, Camarines Sur. Magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Cagayan Valley, Mimaropa, at Bicol Region habang tumatawid sa Southern Luzon. Inaasahan itong tutungo sa West Philippine Sea sa Huwebes bago tuluyang malusaw.

Ang ikalawang LPA na nasa 1,580 kilometro sila­ngan ng Eastern Visayas ay walang direktang epekto sa lagay ng panahon ng bansa. Kikilos ito pa-silangan, palayo ng Pilipinas, at posibleng sumanib sa mas malawak na sirkulasyon ng papalapit na Bagyong Dolphin, na tinatayang tatama sa China sa darating na weekend. Bagaman hindi inaasahang magiging bagyo ang dalawang LPA, magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan.

LPA

PAGASA

PAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with