^

Probinsiya

6 tulak huli sa drug den sa Cotabato

John Unson - Pilipino Star Ngayon
6 tulak huli sa drug den sa Cotabato
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

COTABATO CITY, Philippines — Naaresto ng mga anti-narcotics agents ang anim na shabu at marijuana dealers at isinara ang kanilang drug den sa Barangay Mother Poblacion dito sa lungsod sa isang operation na naisagawa sa tulong ng kanilang mga kamag-anak at mga local officials nitong Linggo.

Sa ulat ng mga city officials nitong Lunes, ang mga naaresto na sina Salik Talib Tuan, Said Sandigan Lagasan, Musa Tuan Talib, at Ebrahim Talib Tuan at dalawang menor-de-edad na lalaki ay nasa kustodya na ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM).

Ang dalawang menor-de-edad ay nasa magkatuwang na panga­ngalaga na ng PDEA-BARMM, Cotabato City Social Welfare Office at Ministry of Social Services and Development-BARMM.

Ayon sa ulat, naaresto ang limang suspek at kanilang lider na si Tuan sa loob mismo ng kanilang drug den sa Brgy. Mother Poblacion, Cotabato City. 

Ayon kay Edgar Jubay, director ng PDEA-BARMM, isinagawa ng kanilang agents at mga operatiba ng Cotabato City Police Office at Maguindanao del Norte Provincial Police Office ang entrapment operation batay sa ulat ng mga kamag-anak ng anim na suspects at mga city officials na alam ang kanilang drug den operation sa Barangay Mother Poblacion. 

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with