^

PSN Showbiz

Wilma, tinodo ang pagiging social climber!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Wilma, tinodo ang pagiging social climber!
Wilma Doesn’t.
STAR/ File

Ipinagdiwang ni Wilma Doesn’t ang kanyang ika-51 kaarawan noong July 10.

Bilang selebrasyon ay isang pangarap umano ang tinupad ng aktres. “Tinodo ko ang aking pagiging social climber. Tumodo ako, pumunta ako ng Maldives. Bata pa lang ako, pangarap ko na ‘yon. Kaya do’n sa post ko (sa Instagram), sinabi ko na ‘This is the first time after 50 years of my life, wala akong birthday blues.’ Kasi kapag malapit na ‘yung birthday ko, ang lungkot-lungkot ko. Alam mo ‘yung nade-depress ka, umiiyak talaga ako. Sabi ng asawa ko, ‘Bakit?’ ‘Hindi ko alam, malungkot ako.’ Tapos ngayon hindi dumating ‘yon. Sabi ko, ‘Ah hindi dumating ‘yon, wala akong birthday blues.’ Sabi ng asawa ko, ‘Kasi pupunta ka sa pinangarap mong lugar.’ Parang ‘yung 50 years ng mga sacrifices, hardships, lahat ng mga pinagdaanan kong pangit. Pagdating ng 51, ‘oh tama ka na, quota ka na, new life ka na,’” nakangiting kwento sa amin ni Wilma sa Fast Talk with Boy Abunda.

Lubos ang pasasalamat ng komedyana dahil sa kanyang edad ngayon ay nananatili pa ring malakas ang pangangatawan. “Wala kang maintenance (medicine), ibig sabihin wala kang high blood, wala kang diabetes. You can do a lot of things, you’re healthy. Ang dami kong nagagawa, hawak ko na ‘yung oras ko. Ang dami kong natutulungan. That’s the best thing,” paliwanag niya.

Hindi rin umano natatakot na tumanda si Wilma. Para sa aktres ay ramdam niya ang pagkakaiba kung paano siya tratuhin ng mga tao noon at ngayon. “No (hindi takot), I love it. Kasi marami akong na-touch na lives no’ng bata ako. Ngayon ‘yung respect nila sa akin, iba na ‘yung dating. Hindi na ako ‘yung dating kengkay, ‘Ms. Wilma...’ Ay! Nirerespeto na nila ako ha-ha-ha!” natatawang paglalahad ng aktres.

Matatandaang 19 taong gulang pa lamang noon si Wilma nang magsimula bilang isang modelo. Kinalaunan ay sumabak na rin ang dalaga pa lamang noon sa show business. Bukod sa pagiging aktres ay mayroon na ring negosyo si Wilma. Pag-aari ng komedyana ang Chicks Ni Otit restaurant na mayroong mga sangay sa Cavite at Tagaytay. Ayon kay Wilma ay hindi na niya nararanasan ngayon na mamroblema pagdating sa pera.

“Money, breadwinner ako eh. Nakakakain na tayo ng tatlong beses at nakakapag-wine na rin. Hindi na tayo laging nagpapalibre. I mean, lahat ‘yon. Lagi kong sinasabi nanggaling ako sa hirap. Hindi ‘yan sikreto. But I work so hard. Dati ang problema ko money, harvest time ko na siguro ‘to. Masinop ako (sa pera), generous ako in a way. I love feeding people. Gusto kong mag-send ng maraming bata sa school. That’s what I’m doing now. So ‘yung mga wala ako noon, kung saan hirap na hirap ako, ‘yon ‘yung ibinibigay kong pagkakataon sa iba para naman makaahon din sila sa hirap,” pagbabahagi ng komedyana. (Reports from JCC)

WILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with