SB19, mag-aaya na sa Pilipinas!

Wow tourism ambassador na rin ng Department of Tourism (DOT) ang SB19.
At nagpadala ang DOT ng “Galingbayan” box sa limang miyembro bilang regalo sa kanilang pag-alis na uploaded sa social media platform DOT bago ang tour ng grupo sa US at Japan.
Ang *balikbayan* box ay isa sa mga importanteng kumbaga ay simbolo ng Pinoy sa ibang bansa na nagpapaalala sa pagmamahal na kumakatawan sa sakripisyo ng ating mga kababayan sa ibang bansa.
At bilang mga tourism ambassador, tutulong daw ang SB19 sa DOT upang kumbinsihin ang mga miyembro ng fans na tinaguriang A’TIN sa buong mundo na bumiyahe sa Pilipinas at maranasan mismo ang kultura nito.
Massive ang popularidad sa kasalukuyan ng SB19 at kumbaga ay nakabuo na sila ng komunidad – A’TIN – sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
- Latest


























