^

Police Metro

Bangkay ng babae sa maleta kilala na

Ludy Bermudo - Pang-masa
Bangkay ng babae sa maleta kilala na
Ang bangkay ng babaeng isinilid sa maleta na natagpuan sa estero sa Taguig.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nakilala na ng pulisya ang bangkay ng isang babae na isinilid sa maleta na ipinaanod sa estero sa Barangay Tanyag, sa Taguig City, noong Biyernes ng hapon.

Sa isinagawang post-mortem examination ng pulisya, isang tama ng saksak sa tagiliran at hataw sa ulo ng isang matigas na bagay ang tinamo ng biktimang si alyas “Tata”, 46-anyos, isang police ‘asset’.

Ayon sa Taguig City Police, na sinamantala ng tatlong suspek kabilang ang ka-live in ng biktima ang malakas na pagbuhos ng ulan upang ipaanod ang maleta, subalit dahil sa barado ang creek ay hindi ito inanod sa malayo.

Natunton ang bahay ng biktima sa tulong ng mga residente na may 15 metro lamang ang distansya sa creek kung saan bumara ang maleta.

Sinalakay ang bahay ng biktima na sinasabing pag-aari ng kanyang live-in partner na si alyas “Kokong,” 51-anyos, kung saan ina­resto rin ang nadatnang natutulog na sina alyas “Willy­” at alyas “Reynaldo,” na kabilang sa person of interest matapos iugnay ang mga ebidensyang natag­puan sa bahay, sa ibinalot sa bangkay ng biktima.

Inamin ng dalawa na sila ay gumagamit ng iligal na droga nang matagpuan ang ilang drug paraphernalia sa loob ng bahay.

Ayon pa sa pulisya, ang sako at bahagi ng punit na nakabalot sa bangkay ay tugma sa pattern at uri ng materyal ng sako na natagpuang nakabalot sa videoke sa barandilya at garahe at posibleng karugtong na pirasong natagpuan sa basurahan.

Nakakita rin ng bakas ng mga dugo at mga hibla ng buhok sa nasabing bahay.

Mariing itinanggi ng tatlo ang akusasyong may kinalaman sa pagpatay sa biktima.

Nabatid din na may isang buwan pa lang na kinakasama ng biktima si Kokong, na dati umanong galing sa drug rehabilitation at ikatlo nang live-in partner ng biktima, habang si “Willy” ay dati nang nasangkot sa kasong homicide sa Samar.

Ang tatlong suspek ay nakapiit na at nakahandang kasuhan ng pagpatay at iligal na pagtutulak ng iligal na droga.

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with