^

Police Metro

86-anyos lolo natagpuang naaagnas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 86-anyos lolo ang natagpuang naagnas sa kanyang bahay sa Brgy. Suqui, Calapan City, Oriental Mindoro, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Calapan City Police, nadiskubre ang bangkay ng 86-anyos na lolo matapos magreklamo ang mga kapitbahay ng mag-asawang matanda sa masangsang na amoy na nagmumula sa tahanan ng mga ito noong Biyernes.

Nagresponde ang pulisya at dito’y natagpuan rin ang 86-anyos na misis ng biktima na may sakit na Alzheimer na dinala sa pagamutan at idineklarang dead-on-arrival.

Base pa sa pagsusuri posibleng nasawi sa atake sa puso ang matandang lalaki habang tumanggi muna ang mga itong magbigay ng detalye sa nasabing matandang babae habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Nabatid pa na ang mag-asawa ay walang kasama sa kanilang ta­hanan dahilan ang dalawang anak ng mga ito ay naninirahan na sa Estados Unidos at nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na mga araw.

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with