^

Police Metro

ICC prosecutor Khan sinibak sa sexual abuse

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ng International Criminal Court (ICC) si Prosecutor Karim Khan matapos ang umano’y alegasyon ng sekswal na pang-aabuso sa isang babae na miyembro ng kanyang staff.

Si Khan, 56-anyos ay sinuspinde noong nakaraang buwan ng ­pangunahing namamahala ng ICC bago isinagawa ang secret ballot.

Sa nasabing botohan 82 sa 125 kasaping estado ang bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Khan dahil sa serious misconduct at serious breach of duty.

Nabatid na tanging 13 estado lang ang bumoto kay Khan para manatili sa puwesto sa ginanap na door closed session sa United Nations headquarters sa New York.

Kukuwestyunin naman ni Khan sa lahat ng legal na mekanismo ang nasabing desisyon, ayon sa kanyang abogado.

Matatandaan na noong Mayo 2025 ay boluntar­yong bumaba sa pwesto si Khan para laban ang alegasyon na ginawa aniya ng isa sa kanyang babaeng kasamahan matapos ang ginawang imbestigasyon ng nasabi rin taon.

SEXUAL ABUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with