^

Police Metro

3 rider patay sa road accident

Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong motorcycle rider ang nasawi kabilang ang isang miyembro ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) sa magkahiwalay na road accident sa Rizal at Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa ulat ng Rodriguez, Rizal-PNP, ala-1:30 ng hapon nitong Miyerkules ay binabaybay ng isang dump truck ang kahabaan ng Zigzag Road, Brgy. San Jose nang mawalan ito ng preno at pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada ay hindi na nakontrol at napunta sa kabilang linya at nasalpok ang kasalubong na dalawang motorsiklo ng dalawang biktima.

Isinugod sa pagamutan ang 22-anyos na kawani ng isang pharmaceutical company at isang alyas “Christian,” 31-anyos na aktibong miyembro ng BJMP, subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Sa bayan naman ng San Ildefonso, Bulacan ay nasawi ang isang 32-anyos motorcycle rider nang mapisak sa nagkarambola ng anim na sasakyan sa Barangay Sapang Putol ng nasabing bayan nitong Martes ng hapon.

Kitang-kita sa CCTV ang pagsalpok ng truck sa van na tumama sa isang wing van at nasagi ang isang motorsiklo at ­bumangga sa nakahintong jeepney.

Nabangga naman ng truck ang natumbang rider na pumailalim sa sasakyan at nagulungan.

Ayon pa sa pulisya, may isa pang kotse na unang nabangga ang truck kaya anim na sasakyan ang nasangkot sa karambola.

Ang mga sangkot sa aksidente ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple damage to property.

BJMP

ROAD ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with