^

Police Metro

Misis, 4 anak hinostage ng mister

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagsak sa kulungan ang isang mister nang ito ay ­arestuhin matapos na mailigtas ng mga awtoridad ang misis nito at apat na anak na hinostage ng mamakaraang mahigit isang oras sa kanilang bahay sa Brgy. Along-ong, Libon, Albay, kahapon ng umaga.

Ang suspek na nakatakdang sampahan nang patung-patong na kaso ay kinilalang si Edgar.

Habang ligtas at walang tinamong mga sugat maliban sa matinding trauma kaya kasalukuyang sumasailalim sa counselling ang asawa at apat na anak na 8-anyos ang panganay habang mahigit isang taon lang ang bunso.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng umaga armado ng basag na bote at kahoy sa hindi malamang dahilan ay nagbanta ang mister na sasaktan ang kanyang mag-iina at ikinulong nito sa loob ng bahay ang asawa at tatlong anak habang ang pinakabunso ay sinunggaban at hinawakan ng patiwarik.

Naalarma ang mga kapitbahay at humingi ng saklolo sa Libon Municipal Police Station na rumesponde at pinaka-usapan itong bitiwan at pakawalan ang kanyang mag-iina.

Dahil sa nakikitang hindi kumakalma ang suspek na sa tingin ng mga pulis ay lasing at pinangangambahang umabot sa pananakit ang pangho-hostage ay dinambahan ang suspek at matagumpay na maagaw ang paslit at nailigtas ang iba pa.

HOSTAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with