PANOORIN: Marcos sa flood control issue: ‘Abangan ang susunod na kabanata’
MANILA, Philippines — Hindi ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung magbibigay siya ng panibagong update sa isyu ng korapsyon at mga umano’y iregularidad sa flood control projects sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA).
Nang tanungin kung aasahan ng publiko ang tugon ng kanyang administrasyon sa mga isyung inilantad niya sa nakaraang SONA, sinabi lamang ni Marcos: “Abangan ang susunod na kabanata.”
Matatandaang sa kanyang SONA noong 2025, inilantad ng Pangulo ang umano’y mga problema sa pagpapatupad ng ilang flood control projects, kabilang ang mga proyektong hindi umano nakatugon sa kanilang layunin o may mga kuwestiyon sa paggamit ng pondo.
Kasunod nito, naging sentro ng diskusyon ang mga flood control project at ang pangangailangan para sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga imprastraktura ng gobyerno, lalo na sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon at iregularidad.
- Latest





















