Tandem na pumatay sa pro-Marcos vlogger, arestado
MANILA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang riding-in-tandem na pumatay sa pro-Marcos vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata, 24-anyos kahapon ng umaga sa Mabalacat, Pampanga, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Kinumpirma ni P/Col. Allen Rae Co, hepe ng PNP Public Information Office (PIO) naaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas “M.S.”, 58-anyos, taga Caloocan City na umano’y gunman, at alyas “J.A.”, 48-anyos, taga-Cavite na sinasabing nagsilbing driver ng motorsiklong ginamit sa krimen.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang hand grenades, isang caliber .45 at isang .9mm na pistol kung saan pinaniniwalaan ng PNP na ang caliber .45 na baril ay siyang ginamit ng suspek sa pagpaslang kay Lipata.
Sinabi ng PNP na dalawang pangunahing motibo ang sinusuri ng Special Investigation Task Group—ang papel ni Lipata bilang political commentator at isang posibleng personal na alitan sa dating kinakasama.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong murder at illegal possesion of fire arms.
Matatandaang pinagbabaril at napatay si Lipata habang nasugatan ang kanyang live-in partner na si “Nellboy” sa harap ng kanilng bahay sa Caloocan City noong Hulyo 16.
- Latest















