Nanay pinatay ng anak na may topak

MANILA, Philippines — Isang 51-anyos na babaeng barangay utility worker ang nasawi matapos siyang ataduhin nang saksak ng sariling anak naganap nitong Martes ng umaga sa Sitio Mahayahay, Barangay Sonog, San Francisco, Camotes Island.
Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas Melody at ang suspek bilang alyas Kyle, 29-anyos na umano ay may diperensiya sa pag-iisip.
Sa ulat ng Cebu Provincial Police Office (PPO), nangyari ang insidente, dakong alas-10:45 ng umaga sa tahanan ng pamilya sa nasabing lugar.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, nagalit umano ang suspek matapos humingi ng tulong ang kanyang ina sa Rural Health Unit at sabihin sa mga tauhan doon na nakararanas ng problema sa kalusugang pangkaisipan ang anak.
Nang malaman ito ng anak ay nagalit umano ito at kinompronta ang ina dahilan ayaw umano nito ng “injectable medicine”.
Kumuha ng patalim sa kusina ang anak at hinabol ng saksak ang ina at nang makorner sa bakanteng lote ay pinagsasaksak ng ilang beses.
Dinala ang biktima sa Ricardo L. Maningo Memorial Hospital sa San Francisco ngunit binawian ng buhay makalipas ang ilang oras.
Mabilis na tumakas ang suspect na nahuli ng pulisya sa isinagawang follow-up operation sa Sitio Pagnahian, Barangay Sonog.Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong parricide.
- Latest















