Toxicity ng fantards ni Kim, pinatulan ni Vice

Mawawala na ba si Kim Chiu sa It’s Showtime?
Ito ay matapos kuyugin ng fans ni Kim si Vice Ganda nang makalimutan nitong banggitin ang pangalan ni Kim sa kanyang mga pinasalamatan nang tumanggap ng Best Host sa 1st Famas Broadcast Awards Awards noong isang gabi.
Kaya’t pinasalamatan niya ito nang personal kahapon.
Pero kinuyog na si Vice ng obsessed fans ni Kim, nilait nila ang Unkabogable Star at tinalaktalakan.
Hanggang nagsalita na si Kim. “Ayaw ko na sanang palakihin ito. Pero bilang mga taga-supporta hindi naman cguro ka-cheapan ang tawag duon. Cguro po marahil sa sobrang pagmamahal at supporta nila sa idolo nila ay protective sila. Initial reaction po cguro ito. Hindi sa tinolerate ko sila pero sana hinayaan na natin ito. Kung wala ang mga taong sumusuporta at lubos na nagmamahal sa atin wala din tatangkilik sa lahat ng ginagawa natin,“ buong suportang mensahe ni Kim sa kanyang protective fans.
At doon nagalit ang fans ni Vice at maging si Vice ay sumagot na ng ”Thank but not enable. Enaaaayyyy zenkyoooowwww!!!“ sa mga nagtatanggol sa kanya.
Ang paniniwala ng fans, mahal ni Vice si Kim at unintentional naman daw talaga ‘yung hindi pagbanggit ng pangalan ni Kim na minasama ng fans ni Kim.
At ang sinisisi ay ang mismong fans ni Kim na nagpalaki ng simpleng pangyayari.
Sumagot din ang iba na kaya siguro ganun ang fans ni Kim dahil tino-tolerate ito ng aktres.
At sumagot si Vice ng:
“The toxicity of these fantards! @prinsesachinita”
At may isang fan na nagmessage na sinagot ulit ni Vice.
“The entitlement. Eeeewwww!!!!”
Ang message kasi ng fan: “Kim, never let anyone make you feel small or insignificant. You know your worth don’t let anyone dim that. You deserve so much better than this, better treatment, better respect, and better recognition. Still hoping you’ll quit Showtime! @prinsesachinita“
At sumagot din si Vice ng: “Grabe the kacheapan of these fans! Look @prinsesachinita.”
Ayaw siya talagang tigilan ng fans ni Kim na sinasagot ng fans ni Vice.
Pero ayaw pakabog ng fans ni Vice.
“Sa aking mga LITTLE PONIES hindi sapat at katanggap tanggap na dahilan na mahal nyo ko para maging masama kyo sa iba. Ipinagpapasalamat ko ang suporta nyo but i will not enable your toxic behavior just because i seek ur support. I love you my mature and thinking Little Ponies!”
Sa huli ay sinabi ni Kim na “Let’s spread love and love always!!!!”
- Latest


























