Aktor at ex-GF, bubuhayin ang tambalan!
Nagkaroon pala ng dahilan ang current non-showbiz girl ng sikat na aktor upang magselos.
Kailan lang, may makahulugang post si non-showbiz girl na para bang patama sa kanyang showbiz boyfie!
Eh lalong tumindi ang selos ni girl nang mabalitang gustong pagsamahin sa isang show ang boyfie niya at ex niya.
Kahit kasi hiwalay na, hindi pa rin daw nagbabago ang suporta ng aktor sa ex lalo na’t wala na rin itong karelasyon!
Viva All Star Games, papogian at pagandahan
Labanan ng mga pogi at magaling sa basketball ang magaganap sa Viva All Star Games sa gaganapin sa Aug. 16 sa Araneta Coliseum.
Mukhang nakalalamang ang Team Viva One dahil sa members nitong sina Gab Lagman at Lance Carr. Matangkad si Gab na mahigit six feet at ang isa nilang member na si Lance Carr eh dating player ng Ateneo. Nakasama na rin siya sa Palarong Pambansa!
Bukod pa riyan ang kasama niya sina Marco Gallo, Jairus Aquino at iba pang kasama sa team.
Ang Team Records naman mula sa singers ng Viva Records ang katapat nila. Sa members sina Migo Valid at Adie ang batak sa basketball.
Kasama rin sa Team Records ang team captain nilang si Arthur Nery, Eugene Layug, Jeeremy G at iba pa.
At para dagdag kilig, magkakaroon din ng cheerdance competition ang girls ng dalawang teams.
Sina Heaven Peralejo at Bea Binene sa Viva One at sa Team Records naman ay kabilang sina Aubrey Caraan, Krissha Viaje, Hyacinth Callado at iba pa!
Hayan, kumpleto ang mapapanood ninyong idols sa Viva All Star Games, huh!
Wala na kayong hahanapin pa!
- Latest

























