Bea, dinisplay ang wedding ring!

Sa latest photos ni Bea Alonzo, ipinapakita na ang suot na wedding ring at engagement ring.
Sa wedding nila ni Vincent Co, hindi masyadong napansin ang mga suot na singsing ng aktres dahil na-focus ang atensyon nating lahat sa kasimplehan ng kasal at kung gaano ka-blooming at glowing si Bea sa espesyal na araw na ‘yun.
Pero sa inilabas nitong latest photos, makikita na ang dalawang singing na nakasuot sa parehong daliri ng aktres. Simple ang wedding ring at ang kanyang engagement ring. Hindi malaki ang bato ng wedding ring at ang sigurado lang ay milyones ang halaga nito.
Nag-post nga siya sa Instagram story ng photo ng clasped hands nila ng kanyang asawa at ang dalawang suot niyang singsing ang naka-highlight. Sinabi lang nito na nasa pinakamasayang stage siya ng buhay niya ngayon.
Hindi pa nagha-honeymoon sina Bea at Vincent at parang tatapusin muna ni Bea ang taping ng drama/political series niya sa GMA 7 na Whispers From Heaven. Para nga naman wala siyang iisiping trabaho habang nasa honeymoon sila ni Vincent.
DongYan at CocoJul, hinihiritan ng collab!
Nakakaaliw ang reels na pinost ni Dingdong Dantes sa Instagram, ito ‘yung video na tinuturuan siyang mag-Bisaya ni Charlie Fleming habang naka-break sila sa taping ng The Master Cutter.
Tinawag nilang Bisaya Challenge 101 ang kanilang ginawa na ikinatuwa ng nakapanood.
Si Charlie ang taga-bato ng Visayan phrase kay Dingdong, ilang minutes nag-isip si Dingdong at saka nito sasabihin ang Tagalog translation. Dahil mali ang translation ni Dingdong, nagkakatawanan na lalong nagpasaya sa sitwasyon.
Sa last Visayan phrase, tama si Dingdong kaya nagtawanan na naman. Nagkabiruan pa nga dahil si Jo Berry na hindi Visaya, tama ang translation sa Tagalog, kaya lalong nagkatuwaan.
Sabi ni Dingdong, “Hahaha! Hindi diyan natatapos ang challenge. Mas marunong na ako ngayon” and with Charlie and Shuvee Etrata na parehong Bisaya at Bisaya ang salita ‘pag nag-uusap, kapag nagtapos ang series, marunong nang mag-Bisaya si Dingdong.
Samantala, marami na ang naghihintay sa collab project nina Dingdong at Coco Martin na para sa AKTOR PH. Aprubado na ito sa mga kasama nila sa AKTOR PH pati sa fans. May mga request na nga na magsama-sama sa pelikula sina Dingdong at Marian Rivera with Coco and Julia Montes.
“Make it happen” ang pakiusap ng fans kina Coco at Dingdong.
- Latest























