^

PM Sports

Bolts umeskapo sa Bossing

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bolts umeskapo sa Bossing
Hindi tinantanan ni Meralco point guard Chris Banchero si Dalph Panopio ng Blackwater.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ginalusan ng Meralco ang dating unbeaten na Blackwater matapos maitakas ang 116-114 panalo sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Muntikang maubusan ng gasoline ang Bolts nang malustay ang 18-puntos na bentahe bago sumandal sa go-ahead basket ni Chris Newsome sa huling 3.9 segundo upang maka-eskapo mula sa Bossing.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Meralco upang makaangat sa 2-1 kartada sa Group B at makasalo sa segunda puwesto ang Blackwater sa likod lang ng lider na Phoenix (3-0) na sumasagupa pa sa Rain or Shine (0-2) as of press time.

Nagtapos sa 16 puntos, 3 rebounds at 4 assists si Newsome kabilang na ang krusyal na depensa kay RK Ilagan na nabitawan ang bola sa huling posesyon upang bigong makapagbuslo ng game winner.

Tampok sa pamamayani ni Newsome ang fastbreak lay-up mula sa pasa ni Chris Banchero matapos ang sablay na go-ahead jumper sana ni Kentrell Barkley para sa Bossing na bumalikwas mula sa 92-110 na pagkakatambak sa huling 7 minuto.

Trumangko sa Bolts si Antonio Hester na may 25 puntos at 12 rebounds na double-double sahog pa ang 3 assists, 1 steal at 1 tapal habang may 16 puntos din si Chris Banchero sa naitarak na 3 4-point shots.

Solido ang suporta sa kanila nina CJ Cansino at Cliff Hodge na nagdagdag ng 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa mga bataan ni coach Luigi Trillo.

“They’re even better than the record stands. Credits to Blackwater, they came back. They’re playing good basketball,” ani Trillo.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with