Rapido nanilat ng paborito sa pista
MANILA, Philippines — Kasama sa nagpakitang gilas sa karerahan noong Linggo ng hapon ay ang Rapido na sinilat ang liyamadong Black Eagle sa naganap na 2026 PHILRACOM “3rd Leg Hopeful Stakes Race” na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas.
Nagwawalang lumabas ng aparato ang Rapido agad naman itong kinapitan ng Black Eagle para magtagisan ng bilis sa unahan.
Mahigpit ang nating labanan sa unahan ng Rapido at Black Eagle sa kaagahan ng karera habang bakbakan din sa tersero puwesto ang Cal?ing Dexter at Confidence Surge.
Umungos ng bahagya ang Rapido sa kalagitnaan ng karera, lumamang ito ng dalawang kabayo sa nauupos na Black Eagle habang ang ibang kalahok ay nagpupumilit na makahabol.
Nagpatuloy ang mainit na takbo ng Rapido sa far turn nang magsimulang ratratin ito ng hineteng si Pabs Cabalejo.
Kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay umabot na ng apat na kabayo ang lamang nito sa pumangalawa na Yani Yana Lass sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Tinawid ng Rapido ang finish line ng may anim na kabayong bentahe sa pumangalawang Yani Yana Lass, tersero ang Little Bitty Boy habang pumang-apat ang Black Eagle.
Nirehistro ng Rapido ang tiyempong 2:04 minuto sa 2,000 meterrace sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Eric Dela Rosa ang P900,000 premyo nakopo naman ng Yani Yana Lass ang second place prize na P337,500.
- Latest






















