PMFTC nanatiling top buyer ng Philippine tobacco leaf

MANILA, Philippines — Bumili ang PMFTC Inc. ng mahigit dalawang-katlo ng kabuuang lokal na tabakong inihatid sa mga manufacturer noong 2025, na muling nagpapatibay sa papel ng kumpanya bilang pinakamalaking mamimili ng tobacco leaf sa Pilipinas sa gitna ng panawagan ng pamahalaan sa mga magsasaka na palawakin ang produksyon bago ang susunod na cropping season.
Nananatiling pinakamalaking mamimili ng lokal na tabako sa bansa ang PMFTC sa nakalipas na tatlong taon. Noong 2025 lamang, bumili ang kumpanya ng 8.297 milyong kilo ng lokal na tabako, katumbas ng humigit-kumulang 69% ng kabuuang 12.1 milyong kilo na na-deliver sa mga manufacturers.
"We remain committed to support the livelihood of thousands of Filipino tobacco farmers in the country. We recognize the vital role that tobacco farmers play in our supply chain and in the communities where they operate. As the leading leaf buyer, we remain committed to contribute to the growth of the Philippine agriculture sector and generate economic activity for the country,” ayon kay Zhenya Ivanov, Presidente ng PMFTC.
Ito ay kasunod ng panawagan ng National Tobacco Administration (NTA) sa mga magsasaka na magsimula ng pagtatanim nang mas maaga kaysa karaniwan upang mabawasan ang inaasahang epekto ng nalalapit na tagtuyot dulot ng El Niño. Ipinahayag din ng ahensya ang kanilang optimismo para sa darating na crop year at binanggit ang magagandang kondisyon sa merkado, patuloy na demand para sa lokal na tabako, at ang pangangailangang mapanatili ang kita ng mga magsasaka.
Ayon sa PMFTC, ang patuloy nitong pagkuha ng suplay ay sumasalamin sa matagal nang pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na magsasaka at sa tiwala nito sa kalidad ng dahon ng tabako mula sa Pilipinas, na tumutugon sa pangangailangan ng domestic manufacturing.
Noong 2023, bumili ang PMFTC ng 7.189 milyong kilo ng tabako na itinanim sa Pilipinas, na katumbas ng humigit-kumulang 56% ng 12.734 milyong kilo ng lokal na tabako na naideliber sa mga manufacturers. Noong 2024 naman, nakakuha ito ng 7.495 milyong kilo, na kumakatawan sa humigit-kumulang 63% ng 11.9 milyong kilo mula sa lokal na produksyon na naideliber sa mga manufacturers.
Ayon sa kumpanya, ipinapakita ng dami ng tabakong binili nito ang patuloy nitong pamumuhunan sa lokal na industriya ng tabako.
Nauna nang sinabi ng NTA na inaasahan nitong mananatiling matatag ang produksyon ng tabako at binanggit na malaki ang na-absorb ng mga mamimili sa kasalukuyang imbentaryo mula sa nakaraang ani na lumilikha ng magagandang kondisyon sa merkado para sa darating na panahon.
"Tobacco remains an important cash crop for thousands of Filipino farmers and their families. We welcome PMFTC’s continued support for the industry, having purchased the majority of the country’s locally produced tobacco leaf over the past three years. This provides our growers with a stable and reliable market for their harvests. We thank PMFTC for its continued support of the Philippine tobacco industry and our tobacco farming communities," ayon kay Belinda Sanchez, Presidente at CEO ng NTA.
Patuloy ding hinihikayat ng NTA ang mga magsasaka ng tabako na lumahok sa mga kasunduan sa contract-growing, na nagbibigay sa kanila ng tiyak na merkado, teknikal na tulong, at suporta sa produksyon habang nakatutulong na matiyak ang matatag na suplay ng de-kalidad na dahon ng tabako para sa mga mamimili.
Ayon sa PMFTC, nakatakda itong ipagpatuloy ang lubos na pakikipagtulungan sa mga magsasaka ng tabako, mga trading partners, at mga ahensya ng pamahalaan upang higit pang mapalakas ang lokal na value chain ng tabako.
"Philippine tobacco farming depends on strong partnerships across the value chain," ayon kay Zhenya Ivanov. "We will continue investing in long-term relationships with local growers to help ensure that Philippine tobacco remains competitive both locally and internationally."
- Latest






















