^

Probinsiya

Barangay sec na papasok sa trabaho, inutas!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Barangay sec na papasok sa trabaho, inutas!
Angono Rizal, as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Patay ang isang 47-anyos na barangay secretary na tinamba­ngan ng riding-in-tandem habang naglalakad papasok sa trabaho sa Angono, Rizal noong Biyernes ng umaga, Hulyo 17.

Sa ulat, sinabi ni Angono Police Chief, P/Lieutenant Colonel Ariel Azurin, naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Freddie ­Cañeva, secretary ng Barangay San Vicente subalit bigong maisalba matapos ang isinagawang surgical ope­ration dakong hapon nitong Hulyo 19 dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, naglalakad lamang papasok ang biktima nang harangin siya at pagbabarilin ng mga suspek, na mistulang nag-aabang sa kanya, sa eskinita patungong barangay hall.

“Sa totoo lang po, walang kaaway ang asawa ko. Nag-iisip kami mag-ina kung bakit nagawa sa asawa ko po ‘yon na barilin siya nang ganon lang,” pahayag ng maybahay.”

“It’s unimaginable for me to think because my father is just going to his usual work ready to serve the people. Hindi ko magawang maisip bakit nila ginawa ‘yun kasi all I know is that my father is really a true man,” ayon naman sa 19-anyos na babaeng anak.

Sa isinagawang follow-up operation sa bahagi ng Cainta, Rizal, namataan ang mga suspek sa isang slum area. Inabandona ang motorsiklo at nagtatakbo hanggang sa mga bubong ng mga kabahayan. Patuloy pa ang pagtugis sa kanila ng pulisya.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with