Baron, binuking ng misis tungkol sa rehab!

Bakit kaya kailangan pang gumawa ng ingay sa social media ng asawa ni Baron Geisler na si Jamie Evangelista?
Sa Instagram pa talaga siya nag-comment na parang ibinuking nito ang mister na aktor na kailangang sumailalim sa “drug rehabilitation.”
“Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that,” comment ni Jamie sa joint post ng actor sa Instagram at isang aesthetic clinic kalakip ang isang reel na nagpapa-facial ang actor.
Burado na ang nasabing komento, pero siyempre kumalat na ang mga screenshot nito sa social media at ang usap-usapan ng mga netizen may problema na naman sila.
Bukod sa nasabing comment ng misis ni Baron na nag-viral, nag-post din ito sa kanyang Instagram (IG) Story ng mga quote tungkol sa “pagbabago” at “pagdudulot ng pinsala.”
“No one plays the victim better than the one who caused the damage,” ayon sa quote kung saan naka-tag ang actor na may caption na “Best actor (clapping hands emoji).”
“A person’s capacity to change their life is directly linked to how much truth they can face about themselves without running away,” nakasaad pa sa isa pang quote.
Wala pang sagot dito si Baron pero limited na ang pwedeng mag-comment sa kanyang mga post sa IG.
Sa Blood vs Duty huling napanood si Baron na magtatapos na this week.
Pero sa Incognito ay isa siyang good guy na aniya ay first time niya. “So iba naman ‘yung timpla pagdating sa good guy role kasi it tends to be boring. So kailangan tama ‘yung timpla, and buti na lang we have great writers to make each character interesting.
“So I would say Miguel hits home talaga kasi I’m a recovering alcoholic, and Miguel is also a recovering alcoholic. So I’m just grateful na nabigyan ako ng ABS-CBN and Star Creatives ng ganitong klaseng role. I will cherish this for the rest of my life. Sana nga magka-season two.”
At naikuwento rin ni Baron na very proud siya sa sarili dahil natapos niya ang seryeng ‘yun na hindi dumating sa set na nakainom. “Ang laki ng tulong nila sa akin. Una, natapos ko na hindi ako nagkalat! This is the first show na maipagmamalaki ko na hindi ako pumasok sa set na nakainom and it’s so liberating and for sure, dahil nakaka-addict ‘yung ganung feeling na kaya ko pala.
“So I’ll be reaching for that goal every show, every movie dapat ganun ang mangyari and tuluy-tuloy na,” sabi niya pa sa aming interview that time.
Ito ay kahit na kumalat na intrigang may nagreklamong production staff sa kanya noon pero diumano’y pinagtanggol lang siya ng mga co-star niya sa serye.
So bumalik kaya siya sa dating gawi?
Pero ba’t kaya sa social media pa kailangang mag-emote ng kanyang misis.
In all fairness kay Baron, kahit sa social media ay napapakaaktibo siya alang-alang sa career bago pa ang pasabog ng kanyang misis.
- Latest























