Yul, pipintahan ang bahay ni Piolo!

Mas busy ngayon si Yul Servo sa pagpipinta. Ito ay matapos siyang hindi palarin sa nakaraang eleksyon.
At sa kasalukuyan, hindi niya naiisip ang pulitika.
Metal Visual Artist ang category ni Yul.
Umaga pa lang daw ay nagsisimula na siyang magpinta, mga 10 a.m. at natatapos siya ay halos hatinggabi na.
Ito na raw ang kasalukuyang pinagkakakitaan niya.
At kabilang siya sa featured artist sa 29th Graphic Expo 2026. Ang isa sa mga latest post niya ay tungkol sa mga obra niyang ibebenta sa nasabing expo: “Ang huling pirma sa isang obra ay hindi lamang pagtatapos ng proseso, ito ang tanda ng lahat ng oras, pagod, at damdaming ibinuhos upang makalikha ng sining na sana’y makapukaw ng puso ng bawat makakakita.
“Kita-kita po tayo sa 29th Graphic Expo 2026! Handa na ba kayong tuklasin ang mga kuwentong nakaukit sa bawat detalye ng aking mga obra?”
Samantala kamakailan naman ay nagpasalamat siya kay Piolo Pascual na kinomisyon siya para sa blank wall na ang hula ng marami ay sa kanyang farm house sa Batangas.
“Soon, this space will tell the story of two places that shaped one extraordinary life. Stay tuned,” naunang post ni Yul.
Ang sunod niyang post ay kasama na si Piolo na pinasasalamatan niya sa binigay sa kanyang pagkakataon na pintahan ang nasabing espasyo: “Salamat, tol, sa tiwala. Isang karangalan na ako ang napili para likhain ang artwork ng napakagandang lugar na ito.
“Halos isang dekada man ang lumipas, walang kupas ang pagkakaibigan. Parang kahapon lang ang huli nating pagkikita. Maraming salamat, tol,” post ni Yul.
Naalala kong nagkita sila sa birthday for a cause celebration ni Joel Torre at parang doon na-resurrect ang kanilang pagkakaibigan.
Matagal na ang closeness ng dalawang actor.
Anyway, hindi niya sinabi ang mga presyo ng bawat likha niya pero hindi raw mura.
- Latest






















