^

Police Metro

SUV salpok sa 4 sasakyan: 1 patay, 7 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa
SUV salpok sa 4 sasakyan: 1 patay, 7 sugatan
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)Traffic Sector 1, dakong alas-5:05 ng umaga nang maganap ang tila karambola ng SUV, pickup truck, taxi at dalawang motorsiklo.
STAR/ File

Road mishap sa Quezon City

MANILA, Philippines —  Isa katao ang nasawi habang ­sugatan ang pito pa nang araruin ng isang SUV ang apat na sasakyan sa EDSA northbound corner Oliveros Drive sa ­Barangay Apolonio Samson, Quezon City, madaling araw ng Biyernes.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, dakong alas-5:05 ng umaga nang maganap ang tila karambola ng SUV, pickup truck, taxi at dalawang motorsiklo.

Sinabi ni QCPD Traffic Sector 1 commander PLt. Jason Santoceldes na ang itim na SUV, na makikita sa viral video, ay bumabagtas sa northbound lane ng EDSA at bumangga sa likod ng pickup truck, hanggang sa nawalan ng control, tumagilid at nagpagulung-gulong, umatras saka tumama sa dalawang motorsiklo at bumangga uli sa isang taxi.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang sakay ng dalawang motorsiklo habang natuklap ang bubong ng SUV at nabasag ang windshield.

Isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang dalawang pasahero at driver ng SUV, apat na sakay ng mga motorsiklo, at taxi driver.

Dakong alas-11:00 ng umaga ng nasabi ring araw ay binawian ng buhay ang isa sa sugatang pasahero ng SUV.

Pinaniniwalaang nakainom ang driver, na hindi pa kumpirmado dahil isa siya sa nilalapatan ng lunas sa ospital kaya isasailalim sa alcohol breath analyzer (ABA).

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with