^

Police Metro

4 pulis sa Bulacan sinibak sa maling pag-aresto sa trader

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inalis na sa kanilang puwesto ang apat na pulis sa Bula­can nang magkamali sa inarestong negos­yante sa Baliwag City.

Ang tatlong pulis na sangkot na ang dalawa ay police master sergeant at isang staff sergeant na nakatalaga sa San Rafael Municipal Police Station at hepe ng San Rafael Police Station dahil sa command res­ponsibility.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nagkaroon ng kakulangan sa intelligence work kaya nagkamali ang target ng operasyon.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 3, nilapitan ng tatlong pulis at isang confidential informant ang negosyante sa parking lot ng isang restaurant sa Baliwag City noong Huwebes ng hapon.

Pilit na pinasasakay ng mga pulis sa kotse ang negosyante sa kabila ng kawalan ng warrant of arrest.

Nang tumanggi ang negosyante at humingi ng tulong, rumesponde ang mga empleyado ng restaurant at napigilan ang insidente.

Matapos ang pag-uusap, natuklasan ng mga operatiba na nagkamali sila ng target matapos suriin ang pagkakakilanlan ng negosyante. Umalis naman ang mga pulis at confidential informants mula sa lugar.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with