^

Police Metro

Lalaki na makulit maningil ng utang, pinatay

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 68-anyos na lalaki ang nasawi matapos na paulit-ulit na hampasin ng kawayan sa ulo ng lalaking kaniyang sini­singil sa utang sa bayan ng Laoac, Pangasinan, kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, nitong Huwebes ng gabi ay nakahiga ang biktima sa beranda ng isang abandonadong bahay nang dumating ang suspek na may dalang kawayan at paulit-ulit na hinataw ito sa ulo hanggang sa masawi.

Ayon kay Police Major Glenn Dulay, hepe ng Laoac Police Station na ang krimen ay nag-ugat sa matagal nang alitan ng dalawa tungkol sa perang inutang suspek na madalas nilang pagtalunan.

Inamin naman ng suspek ang krimen, na nagawa umano niya dahil sa galit bunsod nang paulit-ulit paniningil ng biktima tungkol sa kaniyang utang.

“Tapos nakaupo ka­ming dalawa sa floor­ing. Bumangon, kinukulit na naman ako. ‘Yung utang ko raw. Dami kong utang daw,” anang suspek.

Iginiit din ng suspek na may utang din umano sa kaniya ang biktima, ngunit pinabayaan na umano niya.

Sinabi ng pamilya ng biktima na determinado silang ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with