Kaso vs Joel at Chiz tuloy pa rin – Ombudsman
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na tuloy pa rin ang pagbusisi ng kaso laban kina Senador Joel Villanueva at Sen. Francis Escudero.
Ito ay sa gitna ng mga alegasyon na makakaapekto sa mga kaso ang paglipat ng dalawang senador sa kasalukuyang mayorya ng Senado.
Matatandaang inakusahan si Villanueva ni dating DPWH Bulacan First District engineer Henry Alcantara na tumanggap umano ng P150 milyong halaga ng kickback para sa multi-purpose building project sa probinsiya na itinanggi naman ang naturang akusasyon.
Si Escudero naman ay inakusahan ding tumanggap umano ng kickbacks mula sa flood control projects na kanyang pinasinungalingan.
Unang pinaghinalaan ng marami na hindi mahahabol ng korte sina Escudero at Villanueva dahil kasama na ang mga ito ngayon sa mayorya sa senado.
Pinabulaanan din ni Remulla ang mga pangambang tina-target diumano ng anti-graft body ang bagong minorya ng Senado dahil karamihan sa mga nakapiit ngayon ay mga kaalyado nila.
- Latest


















