^

PSN Showbiz

Julie Anne at Yeng, sanib-pwersa na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Julie Anne at Yeng, sanib-pwersa na!
Yeng.
STAR/ File

Mukhang ang GMA homegrown ta­lent na si Julie Anne San Jose lamang ang maiiwan as judge-mentor sa bagong season ng The Voice Kids dahil papasok ang bagong judges-mentors na sina Yeng Constantino at Gloc-9 hosted by GMA Primetime King Dingdong Dantes.

Ang singer-songwriter at hitmaker na si Yeng ang nasa likod sa hit songs na Hawak-Kamay, Ikaw, Chinito at iba pa habang si Gloc-9 ay isang kilalang singer-rapper at songwriter.

Ang ABS-CBN ang dating may tangan ng local franchise ng The Voice at The Voice Kids pero ang huli ay napapanood na sa Kapuso Network magmula nung isang taon.

Si Yeng ay nagsi-celebrate ngayon ng kanyang 10th year sa music and entertainment business at isa sa mga kinikilalang mahusay na singer-songwriter. Siya rin ang naatasan ni Coco Martin na umawit ng theme song ng pinakabago nitong action-drama series, ang Sigabo na si Coco mismo ang sumulat.

Hindi ikinakaila ni Yeng ang kanyang excitement sa pagsisimula ng new season ng The Voice Kids dahil gustung-gusto niyang mag-coach at mentor sa mga batang participants.

Siya ang unang winner sa isa pang reality talent show, ang Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN.

Anak ni Harlene kay Direk Rico, nagtatrabaho na sa GMA

Sa darating na Aug. 5, 2026 ay 6th anniversary na ng magkasintahan at mag-business partner na sina Harlene Bautista at Federico Moreno, ang kaisa-isang anak ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.

Ang dalawa ay parehong hiwalay na sa kanilang respective previous partners, ang actor na si Romnick Sarmenta at kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao na si Sheila Magdayao.

Si Harlene ay may apat na anak (na lahat babae) sa dati nitong mister na si Romnick habang apat din ang mga anak ni Federico sa dati nitong misis na si Shiela.

It was in October 2018 nang wakasan ng dating mag-asawang Harlene at Romnick ang kanilang 19 years na pagsasama bilang mag-asawa. Pero nanatili silang magkaibigan.

Si Romnick ay may isang anak (boy) sa kanyang present partner, ang indie actress na si Barbara Ruaro.

Maganda naman ang relasyon ni Federico sa mga anak ni Harlene and vice versa at very close rin ang kanilang respective children sa isa’t isa kaya para umano silang one big family kapag magkakasama.

Sina Harlene at Federico ay mag-business partners na rin ngayon. Itinayo nila ang Every Flake Counts na related sa food business.

Samantala, ang panganay na anak ni Harlene na si Abijah ay nagtatrabaho na rin as camera operator-director sa GMA mula sa pagsasanay ng kanyang biological father, ang GMA resident director na si Rico Gutierrez. Ang panganay naman nina Harlene at Romnick na si Zeke ay tapos na rin sa kanyang pag-aaral in college sa isang unibersidad ng Australia.

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with