Junior actress, sinusumpa na ng mga katrabaho at kaibigan
Sakit sa ulo raw ang isang junior actress sa series na ginawa niya. Halos lahat ng cast na kasama niya eh walang masabing maganda sa kanya.
Eh ang latest, pati sa mga barkada ni aktres sa showbiz, aba, balitang lumayo na rin sa kanya, huh!
Inggit nga sa grupo na kinabibilangan ng aktres ang samahan nila. Until something (bad?) happened along the way.
Balitang kakalas na ang kasamang aktres ni junior actress. Pati sa series na kasama siya eh parang binura na ang name niya sa listahan ng cast!
Magaling na aktres, matalino at multitasker ang aktres na ito na nagbibida na rin sa ilang projects!
Angel, nag-ingay sa sinabi ni Robin
Nag-ingay na naman si Angel Locsin!
This time, ang kanyang sinuwag ay ang naging pahayag ni Senator Robin Padilla na umamin na komunista siya!
Hindi nagustuhan ni Angel ang mga sinabing ito ng senador. Lalo na’t nung nire-red-tag si Angel eh wala siya.
Kuya pa nga ang tawag ni Gel kay Senator Robin. Wish nga lang niya eh magising na siya hangga’t maaga pa!
Sinaluduhan ng maraming netizens ang pagkontra ni Angel sa senador na nakasama niya sa GMA series na Asian Treasure noong 2007.
Ashtine, hindi pa napapa-sold-out ang concert
Dalawang beses nang nagsagawa ng ticket selling si Ashtine Olviga kaugnay ng coming solo concert niya.
Ano ang ibig sabihin ng personal selling niya ng tickets? Mahina?
Of course, hindi lang naman si Ashtine ang gumagawa ng ganyang gimik.
Pero bakit ‘yung iba, ilang minuto lang, sold-out na ang ticket?
Dahil kaya hindi kabilang sa guest ni Ashtine sa concert ang dating ka-loveteam na si Andres Muhlach?
Naku, Ashtine fans, tulungan at suportahan ang inyong idolo!
Tinalbugan pa siya ni Wilbert Ross ha. Ilang oras lang na-sold-out na ang concert ni Wilbert. ‘Kaloka.
- Latest





















