Impeachment complaint, ‘di suportado ng ebidensya-VP Sara

MANILA, Philippines — Pag-aaksaya lamang umano ng “public resources” ang nangyayaring impeachment trial dahil hindi naman ito sinusuportahan ng ebidensiya.
Ito ang sinabi ni Vice President Sara Duterte na nasaksihan sa ika-4 na araw ng trial ang matagal na niyang sinasabi na walang ebidensiya ang reklamo laban sa kanya.
Tinawag din ni Duterte na “fiction” ang sinasabing banta at “assassin” at hindi maaring maging katotohanan ang mga kathang isip.
“Repeatedly claiming that there were threats when none existed, inventing an assassin where there was none, and fabricating evidence to support those claims does not transform fiction into fact,” ani Duterte.
Sinabi rin ni Duterte na ang isang paglilitis sa impeachment ay dapat na nakabatay sa kapani-paniwalang ebidensya at hindi haka-haka.
Aniya, ang mga ganitong aksyon ay sumisira sa integridad ng mga pampublikong institusyon, sumisira sa tiwala ng publiko at sumisira sa paghahanap ng katotohanan.
- Latest
















