^

Police Metro

Magkaibigan nalunod sa beach resort

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang outing sa beach resort nang grupo ng magkakaibigan nang malunod at masawi ang dalawa sa kanila habang nailigtas ang isa naganap, kamakalawa ng hapon sa Purok Maligaya, Barangay Ransohan, Lucena City.

Sa ulat, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Salvador, 22; at Jaime, 21, habang nasa maayos ng kondisyon sa ospital si Shaun, 18, pawang residente ng Barangay Calumpang, Tayabas City.

Sa imbestigasyon, ala-1:00 ng hapon ay nagtungo sa Alena Armiya Beach Resort ang mga biktima at iba pa nilang mga kaibigan upang mag-outing.

Nagtungo sa mababaw na parte ng dagat ang tatlong biktima subalit dahil sa lakas ng alon ay tinangay sila patungo sa malalim na bahagi at nalunod.

Mabilis sinagip ng mga kaibigan at kaanak sina Jaime at Shaun subalit hindi na nakita si Salvador.

Pagdating sa ospital ay hindi na rin naisalba ang buhay ni Jaime habang makalipas ang isang oras ay natagpuang walang buhay si Salvador.

TRAHEDYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with