^

Bansa

Pagtatapon ng ‘septic waste’ busisiin

Pilipino Star Ngayon

Gov. Umali sa DENR

MANILA, Philippines — Hinamon ni Nueva Ecija Gov. Aurelio “Oyie” Umali ang DENR na busisiin ang pagpapatupad ng Clean Water Act of 2004 (RA 9275) dahil sa umano’y maling pagtatapon ng dumi mula sa mga poso-negro na banta sa kalusugan ng milyon.

Sa pulong ng Central Luzon RDC, binigyang-diin ni Umali na hindi pa “fully compliant” ang LGUs at water districts sa tamang serbisyo. “Ang nakakatakot, saan nila itinatapon ito (septic wastes)? Kung sa basura nga hirap tayo, lalo na sa tubig,” aniya.

Sa Pampanga, suspendido ang koleksyon ng septage fees matapos maglabas ng resolusyon ang Pampanga Mayors’ League. Una itong ipinatupad sa Apalit at sinundan ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin II. Ang bayarin sana ay para sa regular na paglilinis ng septic tanks.

Ayon sa mga mayor, suspendido ang fees habang wala pang malinaw na performance at environmental audit sa mga service providers. Ngunit ilang buwan na ang lumipas, wala pa ring konkretong aksyon para matiyak ang maayos na pagtatapon ng septic waste.

Dagdag pa ni Umali, kung hindi agad matutugunan ang problema, posibleng maapektuhan ang suplay ng malinis na tubig sa buong Central Luzon. Aniya, “Kapag nahalo ang dumi sa ating underground water, hindi lang kalusugan ang nakataya kundi pati kabuhayan ng mga magsasaka at maliliit na negosyo.”

Nanawagan din ang gobernador sa mga lokal na pamahalaan na huwag ipagwalang-bahala ang isyu. Giit niya, dapat magsagawa ng agarang inspeksyon at maglatag ng malinaw na plano para sa tamang pangongolekta at pagtatapon ng septic waste bago pa lumala ang sitwasyon.

DENR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with