Eala pinag-isa ang mga Pilipino

MANILA, Philippines — Nakatutok ang buong Pilipinas sa bawat laban ni Alex Eala partikular na sa katatapos na Wimbledon Championships.
Nagsagawa pa ng watch parties ang ilang ahensiya para mas maraming makapanood sa laban nito.
Maihahalintulad ito sa tuwing may laban si eight-division world boxing champion Manny Pacquiao kung saan nakatutok ang sambayanan para suportahan ang Pinoy champion.
Kaya naman hindi maiiwasan na maikumpara si Eala kay Pacquiao na nagsisilbing tulay upang magkaisa ang buong sambayanan sa tuwing may laban ito.
Gayunpaman, hindi ito masyadong iniisip ni Eala.
Mas masaya ito na nagbibigay ito ng ngiti sa bawat Pilipinong nanonood sa kanyang laban.
Mas malalim pa ang nagiging impluwensiya nito sa mga kabataang atleta na nagnanais sundan ang kanyang yapak.
“Sometimes it’s hard to take myself that seriously and I’m happy that I have a positive impact on the community here,” ani Eala.
Nanindigan si Eala na proud ito sa kanyang pinagmulan. Proud Pinoy, sa isip, sa salita at gawa.
“I’m so proud to be Pinoy and I think that’s one thing that I share with everybody is the love of being Pinoy and the pride of being Pinoy,” ani Eala.
Madalas na may Pinoy touch ang mga ginagamit nito sa kanyang laban.
Una na ang panali sa buhok na may sampaguita — ang pambansang bulaklak ng Pilipinas — na ginamit nito noong 2025 edisyon ng Wimbledon.
Sa taong ito sa Wimbledon, may linyang ‘kapag lumago, hindi na hihinto’ ang sun visor ni Eala — bagay na umagaw ng atensiyon mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
“I do my best to showcase, I know that I’m in a lot of international stages and I’m the only Filipina in a lot of the stages that I’m in so I try my best to showcase the best of us Filipinos and hope for the best,” ani Eala.
- Latest
























