Diesel at kerosene may taas presyo ngayong Martes
MANILA, Philippines — Bunsod nang nagpapatuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan ay asahan na magkakaroon ng malakihang pagtaas ang presyo ng diesel at kerosene ngayong Martes, Hulyo 14,
Sa abiso ng Department of Energy (DOE), nabatid na ang presyo ng diesel ay maaaring madagdagan ng mula P2.62 kada litro hanggang P4.62 kada litro.Habang tataas din naman ang presyo ng kerosene ng mula P2.22 kada litro hanggang P4.22 kada litro.
Samantala, ang presyo naman ng gasolina ay maaaring bumaba o tumaas ng P1 kada litro.
Ang pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay iniaanunsiyo tuwing Lunes at ipinaiiral naman kinabukasan.
- Latest


















