^

Probinsiya

Mag-asawa, anak nakuryente sa sampayan, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa, anak nakuryente sa sampayan, todas
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Alfredo Costales Jr., 36-anyos na padre de pamilya, misis nito at ang kanilang Grade 5 na anak na lalaki.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi makaraang aksidenteng makuryente sa bayan ng Brgy. Luis, Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Alfredo Costales Jr., 36-anyos na padre de pamilya, misis nito at ang kanilang Grade 5 na anak na lalaki.

Sa ulat ng Nueva Vizcaya Police, nangyari ang insidente sa loob ng banyo o paliguan ng pamilya Costales sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng kapatid na lalaki ng padre de pamilya, nagulantang na lamang umano siya nang bumisita sa tahanan ng mga biktima nang walang sumasagot sa kanila. Nang tunguhin niya ang likuran ng bahay ng pamilya kung saan naroon ang banyo ay ­laking pagkabigla niya nang makitang magkakapatong ang mga biktima na pawang wala nang buhay.

Sa teorya, posibleng nagsampay ng basang damit ang kaniyang kapatid sa alambre matapos maligo at makuryente na maaaring sinaklolohan naman ng misis nito at ang Grade V na anak na lalaki kaya pare-pareho silang nakuryente.

Nabatid na nakadikit ang yero sa sampayan ng pamilya kung saan aksidenteng sumayad ang live wire sa pinagdugtong-dugtong na kawad ng kuryente. Nakaligtas naman sa insidente ang 3-anyos na bunsong anak na lalaki ng mag-asawa na naiwan sa loob ng kanilang bahay. Dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na du­maloy sa mga biktima ay pawang nasawi ang tatlo sa insidente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with