^

Bansa

Pinas, handang sumabak sa negosyo sa Saudi Vision 2030

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaking oportunidad ang nakikita para sa mga Pilipinong negosyante sa ilalim ng Saudi Vision 2030—mula sa edukasyon, serbisyo, agrikultura, hanggang sa maliliit at katamtamang laki ng negosyo.

Ito ang binigyang-diin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman at President ng JACCG Holdings, Inc., sa isang eksklusibong panayam ng Okaz, isang kilalang Arabic daily newspaper.

Ayon kay Goitia, panahon na upang lampasan ang tradisyunal na ugnayang nakasentro sa migrant workers at remittances. Dapat na itong palawakin tungo sa mas malalim na kooperasyon sa pamumuhunan, serbisyo, food security, enerhiya, at human capital development.

Hindi lamang mga kasunduang diplomatiko ang nagpatatag sa relasyon ng Pilipinas at Saudi Arabia. Pinanday rin ito ng pagkakaibigan, ugnayang pangkultura, at araw-araw na pakikipamuhay ng mga Pilipino sa Kaharian. Sa paglipas ng panahon, naging higit pa sila sa lakas-paggawa—naging mahalagang bahagi na sila ng makabagong pag-unlad ng Saudi Arabia.

Para kay Goitia, pagkakataon ito para sa Pilipinas na maging higit pa sa pinagmumulan ng mahuhusay na manggagawa. Dapat na ring kilalanin ang kakayahan ng mga negosyo, ins­titusyon, at negosyanteng Pilipino na makapag-ambag sa bagong yugto ng ugnayan.

BUSINESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with