^

Probinsiya

Staff ng Mayor nalunod sa pagsagip sa 2 paslit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Staff ng Mayor nalunod sa pagsagip sa 2 paslit
Satellite image shows Lanao del Norte
Google Maps

MANILA, Philippines — Nagbuwis ng buhay ang isang 29-anyos na lala­king staff ni Iligan City Mayor Frederick Siao matapos nitong sagipin sa baha ang dalawang batang nalulunod sa Soda Beach sa Brgy. Santa Filomena ng lungsod ng Iligan, Lanao del Norte noong Biyernes ng hapon, ayon sa ulat.

Kinilala ang nasawing biktima na si Marjohn Yana Manait, residente ng Brgy. Digkilaan.

Sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kasalukuyang nasa may buhanginan sa nasabing beach si Manait ng matanaw nito ang dalawang batang tinatangay ng malakas na alon.

Hindi na nagdalawang isip pa si Manait at sinagip ang dalawang bata sa nasabing insidente. Gayunman, siya naman ang tuluyang tinangay ng malakas na alon.

Sa isinagawang search and retrieval operations ng mga awtoridad, narekober ang katawan ni Manait na hindi na naisalba pa. Naulila nito ang kaniyang asawa at isang anak.

Nagluluksa ang pamahalaang lungsod sa pagpanaw ni Manait na itinuturing nila ngayon na isang bayani.

FREDERICK SIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with