Sarah, hinahanapan na ng baby!

Sa darating na July 25, 2026 ay 38th birthday ng Viva Pop superstar na si Sarah Geronimo, ang misis ng Fil-Italian singer-actor and entrepreneur na si Matteo Guidicelli.
Although mahigit anim na taon na ang pagsasama ng celebrity couple ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak hanggang ngayon.
Ikinasal ang mag-asawa sa isang intimate Christian wedding nung Feb. 20, 2020 na naging malaking kontrobersiya dahil walang alam ang pamilya ni Sarah.
Marami na rin ang nakaka-miss kay Sarah sa telebisyon, sa concert scene maging sa paggawa nito ng movie lalupa’t nung 2019 pa ang huling pelikula niya, ang Unforgettable. Marami rin ang umaasa na sana’y magsama sa isang back-to-back concert sina Sarah at Matteo sa isang major venue kahit hindi isang singer si Matteo.
Sa ngayon ay mas ini-enjoy ng mag-asawa ang kanilang bonding moments bilang couple by traveling abroad.
Bonnie Tyler, maraming naiwang kayamanan
Nagluluksa ang global music and entertainment industry sa maagang pagpanaw ng music icon, ang Welsh singer-songwriter-performer at hitmaker na si Bonnie Tyler (Gaynor Hopkins-Sullivan in real life) na siyang nagpasikat ng classic hits songs tulad ng Total Eclipse of the Heart, It’s A Heartache, Holding Out for A Hero, Here She Comes, at marami pang iba.
Si Bonnie ay pumanaw nung nakaraang July 8, 2026 sa isang pagamutan in Portugal kung saan siya naka-base kasama ang kanyang mister na si Robert Sullivan, isang property developer, businessman at 1972 Olympic judo participant.
Nagka-miscarriage si Bonnie nung siya’y 39 at hindi na nagkaanak kailanman. Pero naging faithful sa kanya ang kanyang mister hanggang sa kanyang pagpanaw.
Buwan ng Mayo 2026 nang isugod si Bonnie sa isang local hospital ng Portugal at sumailalim ng emergeny operation sa kanyang perforated intestine at siya’y isinailalim sa medically-induced coma. Nung mag-attempt ang kanyang mga doctor na siya’y tanggalin sa induced coma ay nagka-cardiac arrest siya and was resuscitated. Nung June 15, muling nagising si Bonnie pero nanatili pa rin siya sa Intensive Care Unit (ICU).
Inakala ng management team ni Bonnie na ito’y makaka-recover kaya inurong lamang nila to later dates ang naka-schedule na concert tour ng singer.
Sumakabilang-buhay si Bonnie sa edad na 75.
Iniwan ni Bonnie sa kanyang mister (of 53 years) na si Robert Sullivan ang marami nilang na-acquire na properties – 22 bahay sa Berkshire and London, 65 stables na nag-aalok ng horse-boarding services, dairy farm in New Zealand, a quarry and their five-bedroom house in Albufeira, Algarbe, Southern Portugal at iba pang investments.
Pagdating sa boses, si Bonnie ay inihalintulad sa kapwa niya music icons, ang Engish singer-songwriter na si Rod Stewart at American singer-songwriter na si Kim Carnes dahil sa kanilang husky voice.
- Latest


















