^

PSN Showbiz

Maymay, bitbit ang jowa sa bagong music video

Pilipino Star Ngayon
Maymay, bitbit ang jowa sa bagong music video
What We Love
STAR/ File

In love talaga ang Kapamilya singer-actress na si Maymay Entrata.

Sa kanyang bagong music video para sa single na What We Love tampok pa ang real-life partner na si Joaquin Enriquez.

Makikita sa MV ang sweet at simpleng getaway nina Maymay at Joaquin na nagbibigay-buhay sa mensahe ng kanta na patuloy na pagipili sa pag-ibig sa kabila ng mga pagsubok.

“This song is for the memories that still make you smile, the moments that still feel like home, and the kind of love that stays. Because with the right person, love is something you choose every single day,” saad ni Maymay sa social media.

Isinulat niya ang dance-pop track katulong sina Nhiko Sabiniano, Trisha Denise at Greg Shilling. Ipe-perform ni Maymay nang live ang What We Love  sa Barrio Fiesta Caravan 2026 sa Birmingham, UK sa Hulyo 12 at sa ASAP Australia sa Hulyo 25.

Matapos ang tagumpay ng kanyang empowering hits na AMAKABOGERA, Puede Ba, Tsada Mahigugma, Paradise at Masunog Man, patuloy niyang ipinapakita ang kanyang evolution bilang singer-songwriter sa pamamagitan ng mga kantang personal at relatable sa listeners.

Patuloy rin siyang gumagawa ng pangalan sa international scene. Noong 2023, tampok si Maymay sa Spotify EQUAL billboard sa Times Square, New York at na-feature rin ng Recording Academy sa original series nitong It Goes to 11.

Noong 2024, nag-debut siya sa Paris Fashion Week, kung saan inawit niya ang English version ng AMAKABOGERA habang rumarampa sa runway.

Lalo pang lumawak ang kanyang global reach nang piliin siya ng Disney Southeast Asia upang awitin ang Nasaan ang Hiling mula sa OST ng Snow White. Naging guest mentor din siya sa Dream Maker, at naging nominee para sa Best Asia Act sa 2022 MTV Europe Music Awards. Gumawa rin ng kasaysayan si Maymay bilang unang Filipina na rumampa sa Arab Fashion Week at patuloy na ipinagmamalaki ang talento ng mga Pilipino sa international stage.

Napapakinggan ang What We Love  ni Maymay sa iba’t ibang digital streaming platforms at mapapanood ang official music video nito sa YouTube.

MAYMAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with