^

PSN Showbiz

Heart, nilagare ang Rome Fashion Week

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart, nilagare ang Rome Fashion Week
Heart Evangelista.
STAR/ File

Matapos ang bahagyang health scare, nakalagare sa Europa si fashion guru Heart Evangelista para dumalo muli sa Paris Fashion Week at Rome Fashion Week.

Super rampa na nga si Heart, at sinulit ng aktres at TV host ang biyahe na sumabak sa nakapilang mga trabaho sa France at Italy.

Almost two weeks ago nang isinugod si Heart sa ospital matapos sumama ang pakiramdam nito.

At ngayon nga raw ay mas maingat na si Heart sa pagrampa sa mga fashion week — tanging mga event na sadyang mahalaga na raw sa kanya ang pupuntahan nito.

Bukod sa pagdalo sa fashion week events, abala na rin si Heart sa hosting duties niya sa programang The People Have Spoken na mapapanood sa GMA 7 tuwing Sabado.

Anyway, bago ang maikling medical emergency na ito, dumalo si Heart sa 75th anniversary ng luxury fashion house na Max Mara sa Shanghai, China. Nakasama niya sa nasabing prestigious celebration na ginanap sa Long Museum noong June 16 ang ilang international stars gaya nina Katie Holmes at Michelle Yeoh.

Sa Paris, bitbit ni Heart ang mga alahas na dinesenyo niya gamit ang iba’t ibang gemstones, na kinahuhumalingan sa kasalukuyan ng maraming fashion influencer.

Nakita rin siya na nagfi-fit ng gown para sa sikat na designer na Stephane Rolland — isa sa kilalang nagbibihis sa mga pinakasikat na celebrity sa buong mundo — sa Paris. Ang Stephane Rolland ay isang prominenteng French luxury fashion house at opisyal na Haute Couture member ng the Fédération de la Haute Couture mula pa noong 2007.

Ang Stephane Rolland ay kilala sa malalim na paggalang sa mga tradisyon ng Parisian Haute Couture.

Taun-taon, ang Paris Fashion Week ay laging umaakit ng napakaraming kilalang personalidad. Sa taong ito,  kabilang sa mga du­malo ay sina Zendaya, Lisa ng grupong Blackpink, Dua Lipa, Rihanna, Kate Moss, Nicole Kidman, Penélope Cruz, at marami pang iba.

Ngayong taon ay kinabibilangan ng Men’s Fall/Winter (2026-2027): Jan. 20-25, 2026; Haute Couture (Spring/Summer 2026): Jan. 26-29, 2026; Women’s Fall/Winter (2026-2027): March 2-10, 2026; Men’s Spring/Summer 2027: June 23-28, 2026; Haute Couture (Fall/Winter 2026-2027): July 6-9, 2026; at Women’s Spring/Summer 2027: Sept. 28-Oct. 6, 2026 ang PFW.

Anyway, maging sa Rome ay bitbit niya rin ang mga dinisenyong alahas.

Una siyang rumampa sa Rome para sa Fendi.

Well, isang breakthrough ang tagumpay ni Heart na mapasok ang mga fashion week sa Europe sapagkat maituturing na isang “ambitious goal” ang mapabilang sa fashion leaders at influencers sa buong mundo.

Ang tagumpay ni Heart sa Paris Fashion Week at iba pang prominenteng fashion and lifestyle events sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagbibigay-karangalan sa Pilipinas, sa totoo lang.

Ngayon, ang dami nang celebrity na gustong maging bahagi ng mga fashion week. 

HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with