^

Bansa

Batanes matagal nang bahagi ng Pinas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang kasaysayan na ang Batanes ay matagal nang bahagi ng Pilipinas at hindi kayang burahin ng anumang naratibo ng ilang iskolar mula Tsina.

“Hindi naging bahagi ng Pilipinas ang Batanes dahil lamang sa isang deklarasyon. Naging bahagi ito ng ating bansa sa parehong paraan na na­ging bahagi ang bawat lalawigan—sa pamamagitan ng mga salinlahing namuhay rito, nagpalaki ng pamilya, at bumoto bilang mamamayan ng Republika ng Pilipinas,” ani Goitia.

Nababahala siya sa paulit?ulit na maling naratibo na maaaring makaapekto sa pananaw ng daigdig. Tinuligsa niya ang pahayag ng ilang iskolar na Tsino na bahagi ng Tsina ang Batanes, at iginiit na bukas ang pananaliksik ngunit hindi dapat gamitin upang pagdudahan ang soberanya ng ibang bansa.

May nagsasabing mas malapit ang Batanes sa Taiwan at may ugnayang pangkultura ang mga Ivatan at Tao, o may lumang mapa na sumusuporta sa ibang pananaw. Ngunit giit ni Goitia, hindi nito mababago ang katotohanang ang Batanes ay matagal nang bahagi ng Pilipinas.

Dagdag pa niya, walang international na kasunduan o korte na kumilala sa Batanes bilang teritoryo ng Tsina mula pa noong panahon ng Espan­yol, Amerikano, hanggang sa kasaluku­yang Republika ng Pilipinas.

BATANES

GOITIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with