Factory worker bibili lang ng pang-almusal, inararo ng van
MANILA, Philippines — Patay ang isang 25 anyos na factory worker nang aksidenteng mabundol ng isang utility van habang tumatawid sa pedestrian lane sa Calamba City, Laguna na bibili lamang ng pang-almusal para sa kanyang pamilya nitong Martes ng madaling-araw.
Ang insidente ay nakunan ng CCTV camera sa Maharlika Highway, Barangay Makiling Calamba City.
Sa CCTV footage, makikita ang biktima na huminto sa gitna ng kalsada at tumingin sa kanan dahil may paparating na sasakyan. Pero isang mabilis na utility van ang sumulpot mula sa kabilang direksyon at nahagip ang biktima at nakaladkad pa ng ilang metro. Pero imbes na tulungan ang biktima, dali-daling humarurot at tumakas ang driver ng van.
Ayon sa pulisya, bibili lang ng pagkain na pang-almusal ang biktima bago sana pumasok sa trabaho sa isang pabrika nang mangyari ang insidente.
- Latest






















