^

PSN Showbiz

99 estudyante, nagtapos sa Sparkle Workshops

Pilipino Star Ngayon
99 estudyante, nagtapos sa Sparkle Workshops

MANILA, Philippines — Ipinagdiwang ng Sparkle GMA Artist Center ang pagtatapos ng 99 na estudyante mula sa Sparkle Prime Workshops sa isang espesyal na seremonya na ginanap sa German Moreno Studios noong Hulyo 4.

Kinilala sa naturang programa ang mga nagtapos mula sa apat na kurso—Fundamentals of Acting, Specialized Acting, Kids 360 at Real Talk Real Presence Public Speaking—na nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng Sparkle sa paghubog sa aspiring performers sa pamamagitan ng pagsasanay na pinangungunahan ng mga eksperto sa industriya.

Ang ilan sa mga dumalo ay sina GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group at President at CEO ng GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Valdes; Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo; Assistant Vice President for Talent Management Tracy Garcia; at Assistant Vice President for Talent Recruitment and Development Jenny B. Donato. Nakibahagi rin sa selebrasyon ang Sparkle artist na si Allen Ansay upang batiin at parangalan ang mga nagtapos.

Kabilang din sa mga nagtapos ngayong taon ang ilang Sparkle artists na sina Tala Gatchalian, Justine Ong, Tyrone Tan, Ryke Reyes at Veiled Cup 2026 Grand Champion Arabelle dela Cruz.

Pinangunahan nina Meghan Dionisio at Justine Ong ang seremonya na nagtampok ng iba’t ibang pagtatanghal. Naghandog din ng mga special performance ang Sparkle artists na sina Marian Ansay at Tala Gatchalian.

Nagbibigay ang Sparkle Prime Workshop ng professional training sa pag-arte, public speaking at performance para sa aspiring talents upang palakasin ang kanilang tiwala sa sarili at higit pang paunlarin ang kanilang mga kakayahan.

Isa sa mga bagong kursong inilunsad ng Sparkle Prime Workshop ngayong 2026 ang Public Speaking Workshop para sa mga bata at matatanda. Samantala, ang Specialized Workshop in Acting ay nakatuon sa iba’t ibang teknik sa pag-arte gamit ang Eric Morris System of Work na nagbibigay-diin sa pagbuo at masusing pag-unawa sa karakter para sa mga piling eksena.

May handog din ang Sparkle GMA Artist Center na mga special discount para sa old students at early bird enrollees na magpapatala ngayong Hulyo 2026 para sa ikalawang batch ng workshops, na gaganapin mula Setyembre hanggang Oktubre.

GMA

SPARKLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with